Hiking, trekking at biking ipinagbawal muna sa CAR

Ipinagbawal muna ang pagsasagawa ng hiking, trekking, biking, caving, at oba pang tourism-related activities sa iba’t ibang tourist destinations sa Cordillera Administrative Reigon (CAR).

Sa inilabas na public tourism advisory ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, pinag-iingat ang mga turista dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.

Inabisuhan din ang publiko na iwasan muna ang mga lugar na prone sa landslide at flashfloods.

Tiniyak ng CDRRMC na ang local DRRMC ng bawat lalawigan sa rehiyon ay nakatutok sa kani-kanilang nasasakupan at sa weather updates mula sa PAGASA.

Read more...