Mga stranded na pasahero na binabantayan ng Coast Guard, bumaba na sa mahigit 100

Dahil sa patuloy pang pagganda ng panahon matapos ang bagong Hanna na naging bagyong Lekima, bumaba na ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalang binabanyatan ng Philippine Coast Guard.

Sa pinakahuling monitoring ng Coast Guard, mayroon nalang 137 na stranded passengers ngayon na karamihan ay nasa pantalan sa Batangas at Camarines Sur.

Ayon sa PCG, 60 sa mga ito ay nasa Bulan Port sa Sorsogon, 44 ay stranded sa Pasacao Port sa Camarines Sur at 33 ay nasa Calatagan Port sa Batangas.

Mayroon na lang 11 barko ang hindi pa nakakapalaot at naghihintay nalang ng clearance mula sa PCG.

10 motorbanca at 4 na rolling cargoes din ang hindi pa pinapayagang pumalaot habang wala pang go signal ng coast guard.

Nais kasing matiyak ng PCG na maganda na ang lagay ng panahon bago tuluyang pumalaot ang mga ito nang maiwasan ang panibagong aberya sa laot.

Read more...