5 bata patay sa sunog sa day care center sa Pennsylvania

Limang bata ang nasawi sa sunog na naganap sa isang residential building na ginagamit bilang day care center sa Pennsylvania.

Naganap ang sunog sa Erie, Linggo ng umaga ayon sa fire department sa lugar.

Ang mga biktima ay nasa pagitan ng edad 8 buwan at pitong taon.

Nasugatan naman sa nasabing insidente ang may-ari ng day care.

Apat sa mga nasawi ay magkakapatid na halos isang taon nang dinadala sa pangangalaga ng day care kada araw dahil ang kanilang magulang ay nagtatrabaho at kapwa pang gabi ang shift.

Sa living room ng pasilidad nagsimula ang apoy at patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...