5 arestado sa buy-bust sa QC

Arestado ang limang katao sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City.

Target ng ikinasang operasyon sa Barangay Bagong Pag-asa ang hinihinalang tulak ng shabu na si Alyas Boss.

Positibong nabilihan si Boss ng ilegal na droga ng pulis na nagpanggap na buyer at nakuha pa sa pag-iingat nito ang aabot sa P45,000 na halaga ng shabu.

Si Boss ay nasa drugs watchlist ng pulisya.

Maliban sa kaniya, nadakip din ang apat niyang parokyano na nakuhanan ng pitong sachet ng shabu.

Read more...