Ito ay alinsunod sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na regular holiday ngayong August 12, bilang paggunita sa Eid’l Adha o ang Islamic Feast of Sacrifice.
Sa ilalim ng pay rules, dapat na mabayaran ng mga employers ang kanilang mga manggagawa ng 200 percent ng kanilang sweldo para sa unang walong oras nilang trabaho.
Ang trabaho namang sumobra sa walong oras ay kinakailangang bayaran ng dagdag na 30 percent kada oras ng trabaho.
Kapag ang empleyado naman ay nagtrabaho pa rin kahit na araw ng pahinga at holiday, kailangan siyang mabayaran ng dagdag na 30 percent ng kanyang 200 percent daily rate.
Kung ang manggagawa ay hindi nagtrabaho ngayong araw ay makatatanggap pa rin siya ng 100 percent ng kanyang sahod.