Dalawang miyembro ng Communist Party of the Philippines – News People’s Army ang nasawi matapos makaengkwentro ang militar sa Brgy. San Rafael, Talakag, Bukidnon, Linggo ng umaga.
Ayon sa ulat ng militar, isa sa mga nasawi ay isang subordinate leader ng rebeldeng komunista.
Nakatanggap umano sila ng sumbong mula sa isang concerned citizen ukol sa presensya ng mga rebelde sa Brgy. San Rafael dahilan para ikasa ang operasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Tumagal ng sampung minuto ang bakbakan kung saan nakarekober din ang mga sundalo ng dalawang M16 at isang M14 riffle.
Samantala, sa bersyon naman ng Mt. Kitanglad Command ng NPA, sinabing isang sundalo ang kanilang napatay at apat pa ang nasugatan.
Muling hinikayat ni Lt. Col. Benjamin Pajarito ang mga rebelde na sumuko at nangakong tutulungan ang mga ito sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.
Ayon kay Pajarito, hindi na dapat sayangin ng mga terorista ang kanilang oras sa bigong rebolusyon at dapat ituon na lang ng mga ito ang kanilang mga oras para sa pamilya at mga mahal sa buhay.