M3.8 na lindol naitala sa Ilocos Norte

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bahagi ng Ilocos Norte alas-2:09 Lunes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 12 kilometro Hilagang-Silangan ng Pagudpud.

May lalim ang pagyanig na 17 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Claveria, Cagayan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...