2 pagyanig naitala sa Compostela Valley

Dalawang halos magkasunod na pagyanig ang naitala sa bahagi ng Compostela Valley Lunes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ala-1:08 nang tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa layong siyam na kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Laak.

May lalim ang pagyanig na isang kilometro.

Makalipas lamang ang apat na minuto, o ala-1:12, magnitude 3.4 ang tumama sa layong 18 kilometro Hilagang-Kanluran pa rin ng bayan ng Laak.

May lalim naman itong anim na kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks ayon pa sa Phivolcs.

Read more...