Sa press briefing ni PRO-8 chief Brig. Gen Dionardo Carlos kahapon, araw ng Linggo, unang natagpuan ng mangingisda ang plastic bags ng shabu sa dalampasigan ng Sitio Pagul sa Barangay Pio Del Pilar bandang alas-2:35 ng hapon.
Kinagabihan, bumalik ang nasabing mangingisda dala pa ang isang plastic bag ng shabu.
Nadiskubre umano ito ng isang menor de edad malapit din sa pinagkakitaan ng mga droga na una nang isinuko sa mga pulis.
Pawang may bigat na dalawang kilo ang bawat bag ng shabu maliban sa isa na nakabukas na at may timbang na 1.5 kilos.
Sumatutal, umabot sa 9.7 kilos ng shabu ang nadiskubre at ibinigay sa pulisya.
Ayon kay Carlos, posibleng sadya ang pag-iwan sa mga shabu sa nasabing lugar kung saan may kukuha sa mga ito.
Inalerto na ng pulisya ang lahat ng municipal stations nito para bantayan ang mga aktibidad sa mga dalampasigan lalo na lalawigan ng Samar.