Lalaki timbog sa pagbebenta ng party drugs sa Tagbiliran City, Cebu

Naaresto ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Tagbiliran City, Cebu Sabado ng gabi.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Bohol, nahuli ang suspek na si Eric John Borja matapos umanong positibong nakabili ng party drug ang isang poseur buyer mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isa sa mga kwarto sa hotel sa lugar.

Ang suspek ay anak ni Tagbiliran City administrator Leonidas Borja.

Nakuha sa suspek ang hindi bababa sa limang ecstasy tablets at P3,000.

Read more...