LOOK: Alden Richards, bumisita sa Sheikh Zayed Grand Mosque sa Abu Dhabi

Photo grab from @aldenrichards02/Instagram

Sa kabila ng hectic na iskedyul, nakabisita ang aktor na si Alden Richards sa Sheikh Zayed Grand Mosque sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE).

Sa Instagram, nag-post ang aktor ng larawan na kuha sa isa sa pinakamalaking mosque sa bansa.

Nakasuot pa ang 27-anyos na aktor ng tradisyunal na kasuotan sa bansa na puting kandura.

Aniya, marami siyang karagdagang natutunan sa relihiyon at kultura.

Ipinagdarasal aniya niyang makabalik muli sa UAE kapag mas malamig na ang panahon kasama ang pamilya.

Si Alden ay nasa UAE para i-promote ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye.”

Read more...