18 patay, 14 nawawala sa paghagupit ng Typhoon Lekima sa China

Hindi bababa sa 18 katao ang nasawi sa paghagupit ng Typhoon Lekima sa China.

Ayon sa mga otoridad sa bansa, 14 katao naman ang napaulat na nawawala matapos ang pag-landfall nito sa Wenling City sa Zheijiang.

Nakaranas ng pagbaha ang mga residente sa lugar dahilan para sapilitang ilikas ang mahigit isang milyong residente.

Lubog sa baha ang bahagi ng Yongjia County, Wenzhou at iba pa.

Nawalan din ng kuryente ang Zhejiang bunsod ng pagkakabagsak ng mga poste ng kuryente at puno dahil sa malakas na hanging dala ng sama ng panahon.

Sa ngayon, ang Typhoon Lekima ay binabagtas ang direksyong pa-Hilaga patungong Shanghai.

Inaasahang dadaan din ang bagyo sa Jiangsu province at mag-landfall sa Shandong province.

Matatandaang hindi nag-landfall ang Typhoon Lekima o Bagyong Hanna sa anumang bahagi ng Pilipinas.

Tuluyang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo noong Biyernes ng umaga.

Read more...