Palasyo, tiwalang kayang pangasiwaan ng DOJ at DBM ang bidding process ng PCSO gaming operations

Tiwala ang Palasyo ng Malakanyang na kakayanin ng mga kalihim ng Department of Justice (DOJ) at Department of Budget and Management (DBM) na pangasiwaan ang bidding process ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi papasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong hakbang kung walang sapat na kaalaman at karanasan ang mga miyembro ng gabinete.

Una rito, sinabi ng pangulo na kanya nang pinag-aaralan na ilagay sa ilalim ng Office of the President ang pangangasiwa sa operasyon ng Peryahan ng Bayan, Keno at small town lottery, at ang kalihim ng DOJ at DBM ang mangangasiwa sa bidding  process sa pagbibigay ng akreditasyon sa mga kukuha ng lisensya.

Read more...