Panukalang magpasaklolo sa US para ma-monitor ang mga barkong dumadaan sa WPS, kinatigan ng Palasyo

Kinatigan ng Palasyo ng Malakanyang ang panukala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magpasaklolo na sa Amerika para ma-monitor ang pagdaan ng mga barko ng China sa West Philippine Sea pati na ang paglalagay ng detachment ng Philippine Navy sa Fuga Island sa Cagayan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na mayroon namang treaty ang Pilipinas at Amerika at maaring gamitin na ito.

Ayon kay Panelo, hindi na kailangan ni Lorenzana na humingi ng permiso kay Pangulong Rodrigo Duterte sa halip ay dapat na gawin na lamang kung ano sa tingin niya ang nakabubuti para sa bansa.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na may ginagawang hakbang o sariling inisyatibo ang Pilipinas para magkaroon ng satellite at ma-monitor ang galaw ng China sa West Philippine Sea.

Read more...