Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, patuloy ang pagtutok matapos ang pagsabog sa Libya

Photo grab from Philippine Embassy in Libya’s Facebook page

Patuloy ang pagtutok ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Libya matapos ang pagsabog sa isang sasakyan malapit sa shopping sa bahagi ng Benghazi.

Naganap ang pag-atake sa Arkan Mall sa Hawari District kung saan tatlong empleyado ng United Nations Support Mission in Libya (UNSMIL) ang nasawi habang siyam ang nasugatan.

Sa inilabas na pahayag ng embahada, tiniyak nito ang pakikipag-ugnayan sa Filipino Community sa Benghazi.

Wala anilang napaulat na nasawi o nasugatan sa mga Pinoy matapos ang insidente.

Inabisuhan naman ang mga Pinoy sa Benghazi na maging alerto.

Read more...