LOOK: Antas ng tubig sa Angat Dam, patuloy na nadagdagan

PAGASA Hydrology Division photo

Muling nadagdagan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas sa 24 oras.

Sa pinakahuling datos ng PAGASA Hydrology Division bandang 6:00 ng umaga, ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay nasa 174.13 meters na.

Dalawang metro ang itinaas ito mula sa naitalang 172.31 meters na tubig sa araw ng Sabado.

Nagsimulang madagdagan ang antas ng tubig sa nasabing dam sa ulang dala ng southwest monsoon o habagat.

Bahagya ring nadagdagan ang water level ng La Mesa, Binga, San Roque at Caliraya Dam.

Samantala, nabawasan naman ang tubig ng Ambuklao, Ipo, Pantabangan at Magat Dam.

Read more...