Notorious na holdaper, tinangkang makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City

Inquirer file photo

Tinangkang makipagbarilan ang isang notorious na holdper sa mga pulis matapos itong maaktuhang nanghoholdap sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si alyas Derek, 40-anyos at residente ng lungsod.

Ayon kay Police Col. Noel Flores, hepe ng Caloocan City police, nahuli ang suspek nang magpatrolya ang mga pulis sa kahabaan ng Caimito Road sa Barangay 77 bilang operasyon laban sa kriminalidad sa lugar.

Tumakbo pa ang suspek at sinubukan pa paputukang ng baril ang mga pulis subalit pumalya ng baril nito.

Inamin naman ng suspek na siya ang gumagawa ng mga panghoholdap sa nasabing barangay at tanging mga lalaki lang ang kanyang binibiktima.

Pero itinanggi ng suspek na hindi kaniya ang ginamit na baril.

Napag-alam ding dati nang nakulong sa New Bilibid Prison ang suspek dahil sa kasong may kinalaman sa ipinagbabawal na droga.

Nahaharap ngayon ang suspek sa patung-patong na kaso tulad ng robbery hold-up, frustrated murder at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Read more...