Drug suspect sugatan matapos manlaban sa mga pulis sa Pasay

Sugatan ang isang drug suspect matapos itong manlaban sa mga otoridad sa ginawang buy-bust operation sa Barangay 14 Zone 1 Pasay City Sabado ng hapon.

Target ng mga pulis ang suspek na nakilalang si Manny Sumalinog, 35 anyos at residente ng Barangay 14, Pasay City.

Nakuha ng mga pulis mula sa suspek ang tatlong sachet na hinihinalang shabu at isang cal. 45.

Ayon sa Pasay City Police, natunugan ng suspek na isang police asset ang kanyang katransaksyon kaya tumakbo ito sa loob ng kanyang bahay.

Agad naman sinundan siya nga mga otoridad.

Mula sa ikatlong palapag ng kanyang bahay, umakyat pa ang suspek hanggang sa roof top at tumalon sa kabilang bahay.

Binaril ni Sumalinog ang mga pulis kaya gumanti ang mga ito at tinamaan ng bala ang balikat ng suspek.

Dinala naman agad ang suspek sa Pasay City General Hospital para sa kaukulang lunas.

Nahaharap naman suspek sa patong-patong na kaso.

 

Read more...