Solenn Heussaff buntis na sa anak nila ng mister na si Nico Bolzico

Kakaiba ang naging anunsyo ng sexy actress na si Solen Heussaff ukol sa kanyang pagbubuntis.

Sa Instagram ay ipinaalam ni Solenn sa publiko na siya ay buntis na.

Pero kung ang ibang nagdadalang-tao ay ibinabalita lamang ang kanyang kundisyon, sa ibang paraan naman ito ginawa ni Solenn.

Sa kanyang post ay makikita si Solenn na nakahawak sa kanyang tiyan habang ang mister na si Nico ay nasa loob ng banyo at tila sumusuka sa inidoro.

Nilagyan ni Solenn ng caption ang post na “We’re in this together.”

Sa isang post naman ay makikita ang larawan ng magiging bagong mommy na hawak uli ang kanyang tiyan habang katabi ang isang sticker ng isang sumasayaw na baby.

Habang si Nico, na kilala sa kanyang mga biro, ay nag post din ng larawan kung saan nagpalit sila ng pwesto ng kanyang misis at siya ang nakadamit pambabae habang si Solenn ang nasa loob ng banyo.

Wala namang ibang detalye na ibinigay ang mag-asawa ukol sa pagkakaroon na nila ng anak.

 

Read more...