Magpupulong sa January para sa isang command conference ang AFP at PNP para paghandaan ang election period na magsisimula na sa January 10.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, pag-uusapan sa command conference ang tungkol sa Election Watchlist Areas of concern.
Ito ang mga lugar na kailangan umanong tutukan dahil sa pinangamgbahang insidente ng karahasan na may kinalaman sa eleksyon.
Ang pagbabatayan aniya ng AFP at PNP ay ang tinutukang mga lugar nuong 2013 elections.
Nuong eleksyon 2013, nasa 81 probinsya at 1,634 lungsod ang nasa ilalim ng Election Watchlist Areas at posibleng ito pa rin ang tutukan ng mga otoridad, pero nakadepende pa raw ito sa resulta ng kanilang pag-aaral o pagtaya sa sitwasyong panseguridad.
Pinangangambahan na habang papalapit ang eleksyon ay tumaas din ang insidente ng karahasan dahil sa iringan ng mga magkakalaban sa pulitika.