Nakatakdang maghain bukas ng motion for inhibition ang kampo ni Senador Grace Poe laban sa tatlong mahistrado ng Korte Suprema na miyembro ng Senate Electoral Tribunal.
Sinabi ng abogado ni poe na si George Garcia, hihilingin nila sa Korte Suprema na mag-inhibit sa deliberasyon ng kanilang mga petisyon laban sa Comelec disqualification sina Associate Justices Antonio Carpio, Teresita de Castro at Arturo Brion.
Ang tatlong Mahistrado ay bumoto pabor sa hiwalay na disqualification case kay Poe bilang senadora dahil sa hindi pagiging natural-born Filipino.
Naniniwala si Garcia na na-prejudge na ng tatlong Justices ang kanilang kaso dahil sa desisyon at boto nila sa SET.
Bukod dito, hihilingin din ng kampo ng senadora na i-consolidate o pagsamahin ng Korte Suprema ang kanilang dalawang petisyon sa Comelec disqualification.