Higit P3M halaga ng shabu nasamsam sa buy bust sa QC

QCPD photo

Nasamsam ang mahigit P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Sto. Nino St., Barangay Holy Spirit, Quezon City Sabado ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Omar Ampaso Sultan, 19 anyos at residente ng Barangay Commonwealth.

Narekober sa suspek ang 500 grams ng umanoy shabu, buy-bust money at cellphone.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib-pwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...