China nairita sa pagtungo ng mga kabataan sa Kalayaan Island

 

Nagpahayag ng pagkairita ang China sa paglalayag ng mga kabataang kasapi ng Kalayaan Atin Ito movement sa Pag-asa island.

Ang Pag-asa island ay bahagi ring ng mga isla sa South China o West Philippines sea na inaangkin ng China.

Ang bansag ng China sa naturang isla ay Thitu island.

Ayon sa pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesman Lu Kang, labis silang nadismaya sa ginawa ng mga kabataang Pinoy dahil ang China ang nagmamay-ari ng Spratly islands.

Giit pa ng China, dapat nang alisin ng Pilipinas ang lahat ng mga istruktura at mga tauhan na iligal na nananatili sa naturang lugar at itigil ang paggawa ng mga hakbang na naglalagay sa alanganin sa relasyon ng dalawang bansa.

Matatandaang nasa 50 mga miyembro ng grupong Kalayaan Atin Ito ang dumating sa Pag-asa Island noong Sabado upang iprotesta ang pag-angkin ng China sa Spratlys.

Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea na pinaniniwalaang nagtataglay ng malawak na oil at gas reserves.

Read more...