Miss Universe Pia Wurtzbach, may 1.2 milyong followers na sa IG

 

Inquirer file photo

Labis ang pasasalamat ni Miss Universe Pia Wurtzbach sa biglaang paglobo ng bilang ng kanyang mga tagasunod sa Instagram.

Sa kanyang post sa sikat na photo sharing site, inanunsyo ni Wurtzbach na umabot na sa 1.2 milyon ang bilang ng kanyang mga followers.

Pinasalamatan ng Miss Universe queen ang lahat ng kanyang mga tagasuporta.

Isang video rin ang in-upload ni Wurtzbach na nagpapahayag ng kanyang pasasalamat.

Samantala, bagamat sa January 2016 pa pormal na magsisimula ang trabaho bilang Miss Universe ni Wurtzbach, hinahabol na rin ng paparazzi ang nanalong kandidata ng Pilipinas.

Makailang ulit nang nakuhanan ng larawan ang beauty queen na nagja-jogging at dumadalo sa iba pang aktibidad habang nasa New York sa USA.

Read more...