Papaigtingin pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang police visibility sa mga paaralan at mga unibersidad sa buong bansa.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ito ay ilan lang sa kanilang mga hakbang para masigurong ligtas ang mga bata laban sa mga rebeldeng grupo.
Maliban dito, plano rin ni Año na muling suriin at pagaralan ang kasuduan ng mga unibersidad at iba pang paaralan at ng DILG kaugnay sa paglalagay ng mga pulis.
Naniniwala si Año na ang paglalagay ng mga pulis sa mga paaralan at unibersidad ay makakatulong sa pagresolba sa tumataas na pagrecuit ng mga rebeldeng grupo sa mga batang magaaral.
Pinaalalahan din niya ang publiko na ang laban na ito ay hindi laman sa red areas o mga probinsya, kundi kasama rin dito ang white areas o mga lungsod.
Target aniya ng mga communist group ang mga eskwelahan, factory o pagawaan at iba pa.
Papalakasin din ni Año ang kanilang pakikipag ungyan sa mga taga pamahala ng mga eskwelahan at sa mga estudyante para mabigyan sila ng kaalaman tungkol sa modus operandi ng mga rebeldeng grupo ng bansa.
Base sa tala ng DILG, mayroong 500 hanggang 1000 ang na rerecruit ng mga rebeldeng grupo kada taon.
Sa nakaraang senate hearing, isang grupo ng mga magulang ang dumulog sa senado kaugnay sa kanilang mga anak na umano’y ni recruit ng mga rebelding grupo.