DILG tiniyak na tutulong sa pagrekober sa mga batang narecruit ng mga rebeldeng grupo

Siniguro ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga magulang na dumulog sa senado kaugnay sa kanilang mga nawawalang mga anak na hinikayat na umanib sa rebeldeng grupo.

Tiniyak ni DILG Secretary Eduardo Año sa mga magulang na tutulong sila na mabawe ang kanilang mga anak mula sa mga communist organization.

Sinabi pa nito na ang ganitong mga grupo ay mapaglinlang at nagpapanggap na sila ay makamahirap, pero ang totoo aniya ay isa itong stratehiya para sila ay magakapag recruite.

Aniya, bini-brainwash ng mga rebeldeng grupo ang mga bata para makumbinsi ito na sumama sa kanila sa bundok at makipag laban sa mga militar.

Ayon pa kay Año, bilang isang retired Armed Forces chief, alam niya na kadalasan sa mga bagong recruit na mga bata ay denedeploy sa mga bundok at ito pa ang na mamatay kung nagkakaroon ng engkwentro ang mga militar at ang mga rebeldeng grupo.

Matatandaan, noong August 7, dumulog ang grupo ng mga magulang sa isang senate hearing kaugnay sa isinampang kasong umano’y kidnapping laban sa matataas na opisyal ng anakbayan at iba pa nitong mga miyembro.

Read more...