Mahigit P600,000.00 na halaga ng shabu nasamsam ng mga otoridad sa Taguig City

Credit: NCRPO photo

Nasamsam ng mga otoridad ang tinatayang 100 gramo ng umano’y shabu matapos ang ikinasang buy-bust operation sa parking area sa isang mall sa Barangay Western Bicutan, Taguig.

Nakilala ang mga suspek na sina Roda Gunda, 43-anyos at Sumandal Gunda, 52-anyos at parehong residente ng Barangay Maharlika, Taguig.

Ayon sa Taguig police nagkakahalaga ang narekober nilang shabu ng P680,000.00.

Maliban sa droga, nakuha rin sa mga suspek ang perang P100,000.00 na ginamit bilang buy-bust money.

Isinagawa ang nasabing operasyon bandang ala-1:30 ng hapon araw ng Biyernes, August 9.

Ito ay pinagsanib pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit, Taguig Police at Philippine Drug Enforcement Agency.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...