Ilang bahagi ng Negros Oriental, 12 oras na mawawalan ng kuryente bukas ayon sa NGCP

Makararanas ng labing dalawang oras na walang kuryente ang ilang bahagi ng Negros Oriental bukas, araw ng Linggo, August 11.

Base sa abiso ng National Grip Corporation of the Philippines (NGCP) magsisimulang mawalan ng kuryente mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi

Ito ay dahil sa gagawing maitenance sa Mabinay Substation.

Apektado nito ang mga consumers ng NORECO I (Tadlong Substation) at NORECO II (Bayawan and Banaba Substations)

Samantala, sa kaparehang araw, mayroon ding 30 minutes na power interruption sa Cagayan De Oro City at Bukidnon na magsisimula ng 6:00 ng umaga.

Ito ay dahil kailangang i-shutdown ang Tagoloan Substation para sa gagawing load transfer.

Read more...