Mga mangingisda hinarang ng PCG sa paglalayag sa maalong dagat sa Cebu

PCG photo

Naharang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang isang motor banca sa karagatan malapit sa North East  portion ng Shell Island sa Cordova Cebu.

Sa gitna ito ng inilabas na gale warning para na rin sa kaligtasan ng mga naglalayag.

Nagpapatrulya ang mga tauhan ng PCG-7 nang maispatan sa karagatan ang motorized boat na may pangalang “Mon-jin.”

Ayon kay PCG-7 Information officer Lt. Junior Grade Michael John Encina, galing ang bangka sa Barangay Nasingin sa bayan ng Getafe sa Bohol at patungo sana sa Pasil Fish port sa Barangay Pasil, Cebu City.

Natuklasan din na hindi rehistrado ang bangka na may lulang 20 pasahero at 20 kahon ng iba’t ibang uri ng isda.

Agad namang nagbigay ng Enforcement Inspection Apprehension Report (EIAR) ang coast guard at pinigil ang bangksa Pasil port.

Nagbigay din ito ng notice of hearing sa boat captain at pinahaharap sa Coast Guard Station sa Cebu para sa kaukulang imbestigasyon.

Read more...