IOS at Android tatapatan ng bagong OS ng Huawei

AP photo

Sa gitna ng bantang alisin ang access sa Android system, naglunsad ang Chinese Telecommunication company na Huawei ng sarili nilang operating system.

Ang operating system ay tatawaging HarmonyOS o HongMeng sa Chinese na naglalayon magbigay ng “harmony and convenience to the world,” ayon sa nasabing telecom company.

Ayon kay Richard Yu, pinuno ng consumer business ng kompanya, ang bagong software system ay magiging “future oriented” at mas “smooth and secure” kumpara sa Android operating system at iOS.

Ang unang version ng Huawei OS ay ilulunsad bago matapos ang taon at magiging compatible din sa Android.

Pero sinabi ni Yu na sakali’t ituloy ng Google ang kanilang banta na alisin ang access sa mga Huawei gadgets ay maaari namang lumipat sa HarmonyOS.

Read more...