Tubig sa Angat Dam tumaas dahil sa bagyo at Habagat

Inquirer file photo

Bahagyang tumaas ang tubig sa Angat Dam dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng nagdaang bagyong Hanna at Habagat.

Sa ulat ng PAGASA, kaninang alas-sais ng umaga ay umakyat na sa 172.3 meters ang water elevation sa Angat Dam mula sa 170.88 meters kahapon, araw ng Biyernes.

Inaasahang tatataas pa ito dahil sa patuloy na pag-ulan sa lalawigan ng Bulacan.

Ang water level sa La Mesa Dam ay tumaas rin sa 76.34 meters mula sa 76.05 kahapon.

Narito ang water elevation update mula sa PAGASA ngayong araw ng Sabado.

Caliraya: 286.31 meters

Ipo: 100.96 meters

Magat: 185.39 meters

Ambuklao: 749.97 meters

Binga: 573.85 meters

Pantabangan: 192.12 meters

San Roque: 235.28 meters

Read more...