Pwede nang tumanggap ng mga regalo ang mga tauhan at opisyal ng Philippine National Police (PNP) base sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay kung kusang ibinigay ito ng mga taong nabigyan ng tulong ng mga pulis at hindi bilang suhol.
Sa kanyang pahayag ay sinabi ng pangulo na isang malaking kalokohan ang pagbabawal sa nga pulis na tumanggap ng regalo.
Magiging iligal lamang umano ang pagtanggap ng regalo kung ito ay hiningi o kapalit ng isang pabor pero kung ito ay bilang bahagi ng pasasalamat ay ayos lang at walang masama dito dagdag pa ng pangulo.
Base sa Section 7 of Republic Act 671 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, mahigpit na ipinagbabawala ang anumang uri ng pagtanggap ng regalo ng mga opisyal ng pamahalaan.
Sa talumpati ng pangulo sa 118th Police Service Anniversary ay pabiro rin niyang sinabi na pwede nang makinabang sa iligal na video karera ang mga pulis dahil hindi rin naman nila kayang sugpuin ang naturang iligal na sugal.