DND pumalag sa sunod-sunod na pagpasok ng Chinese ships sa bansa

INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Kinuwestyon ng Department of National Defense ang pagpasok sa bansa ng ilang barko ng China ng walang pakialam.

Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na apat na beses pumasok sa Sulu Sea at Sibutu Strait ang mga barko ng China sa nakalipas na mga buwan.

Pinakahuli dito ang pagdaong ng Dong Fang Hong 3 sa Ilocos Norte at ang barkong Zhanjian na nakita naman sa karagatang sakop ng Bicol Region at Eastern Visayas.

Binigyang-diin ng opisyal na kung walang itinatagong misyon ay hindi dapat patayin ng mga Chinese vessels ang kanilang Automatic Identification System (AIS) kapag dumadaong sila sa bansa at may approval mula sa pamahalaan.

Aminado naman ang opisyal na walang kakayahan ang bansa na bantayan “real time” ang kalagayan sa mga karagatan ng bansa lalo na sa bahagi ng West Philippine Sea.

Pinag-aaralan na rin ng pamahalaan ang pagsasampa ng panibagong reklamo sa China dahil sa pangyayari.

Read more...