Sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 875 kilometro Hilaga ng Basco, Batanes.
Tumama na ang Bagyong Hanna sa eastern side ng China malapit sa Shanghai.
Binabantayan din ng PAGASA ang Typhoon Krosa na nasa layong 2,025 kilometro Silangan ng Basco, Batanes o nasa labas pa ng PAR.
Halos hindi kumikilos ang Typhoon Krosa sa kinalalagyan nito at wala namang direktang epekto sa bansa.
Ngayong araw, makararanas ng madalas na mga pag-ulan dahil sa Habagat ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Central Luzon Metro Manila, CALABARZON, Batanes at Babuyan Group of Islands.
Magiging maulap naman ang kalangitan sa Bicol Region at MIMAROPA na may kalat-kalat na pag-ulan.
Sa Visayas at Mindanao, magiging maganda at maalinsangan na ang panahon na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms
Samantala, nakataas pa rin ang gale warning at bawal ang paglalayag sa seaboards ng Luzon at Visayas, northern at eastern seaboards ng Mindanao