PH lady weightlifter,  pasok na rin sa Rio Olympics

 

Inquirer file photo

Makakalahok na rin ang lady weightlifter na si Hidilyn Diaz sa 2016 Rio De Janeiro Olympics.

Ayon Philippine Weightlifting Association nakuha ng 24-anyos na si  Diaz ang tatlong bronze medals sa International Weightlifting Federation World Championship sa Houston Texas.

Sinabi naman ni coach Elbert Atilano, ipinagbigay-alam na sa kanila ng IWF ang balita at isasapormal na lamang ito sa Asian Championship sa Abril.

Sa pagpasok ni Diaz, makakasama na nito ang hurdler na si Eric Cray bilang mga kinatawan ng bansa sa Rio de Janerio global games.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na makakalahok si Diaz sa Olympics.

Noong 2008, sumali na ito sa Beijing Olympic games at maging noong 2012 London Olympics.

Read more...