Ayon kay Dittie Galang, Communications Planning and Tactical Development Manager ng Manila water, handa silang gumawa ng mga legal na hakbang, kasama na dito ang pag-apela ng motion for reconsideration.
Aniya, umabot na ng P33 bilyon ang kanilang nagastos sa nakalipas na 21 na taon para mapabuti ang sewerage and sanitation services sa east zone.
Dagdag pa nito, maaaring pa itong umabot ng P38.4 bilyon sa taong 2022.
Magugunitang pinagmumulta ng Korte Suprema ang Maynilad Water Services Inc., Manila Water at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng mahigit P1.84 bilyon dahil sa paglabag sa Philippine Clean Water Act simula pa noong 2009.