Ben&Ben, magtatanghal sa Clockenflap Music Festival sa Hong Kong

Photo grab from @BenAndBenMusic/Twitter

Patuloy ang pamamayagpag ng karera ng local indie folk-pop band na Ben&Ben.

Dahil, nakatakdang magtanghal ang banda sa Clockenflap Music and Arts Festival sa Hong Kong.

Sa Twitter, sinabi ng banda na ito ang kanilang kauna-unahang pagkakataon na magtatanghal sa isang international music festival.

Makakasama ng banda sa music festival si American singer-songwriter Halsey, Mumford & Sons at iba pa.

Gaganapin ang music festival mula November 22 hanggang 24 sa Central Harbourfront Event Space sa nasabing bansa.

Read more...