Nakatakas pa rin ang yellow rainfall warning sa Zambales at Bataan.
Sa abiso ng PAGASA bandang 5:30 ng hapon, ito ay dahil pa rin sa ulang dulot ng southwest monsoon o habagat.
Sa Zambales, apektado nito ang bahagi ng Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Marcelino, San Antonio, Castillejos, Subic at Olongapo.
Asahan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Cavite at Batangas sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Posible ring makaranas ng kaparehong sama ng panahon ang Pampanga at nalalabing parte ng Zambales sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Dahil dito, nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha at landslide sa mga mabababang lugar.
Pinaalalahanan din ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Office na tumutok sa kondisyon ng panahon.