Mayor Isko Moreno pinasusuri ang lahat ng billboards sa Maynila

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsusuri sa lahat ng billboard sa lungsod.

Kasunod ito ng pagbagsak ng isang billboard ng isang supermarket sa Divisoria kanina.

Sinabi ni City Engineer Armand Andres wala naman nasaktan sa insidente at aniya nais lang ng kanilang alkalde na matiyak na ligtas ang publiko at para hindi na maulit ang pangyayari.

Ibinahagi nito na sa paunang pagsusuri nila sa bumagsak na billboard ay nakitaan nila ng depekto sa frame kayat bumagsak ito.

Nag-aalala si Moreno sa integridad ng mga billboard lalo na ngayon panahon ng tag-ulan.

Read more...