Rider sugatan sa aksidente sa Muntinlupa

Sugatan ang isang motorcycle rider makaraang mabangga sa isang truck sa Putatan, Muntinlupa.

Nangyari ang aksidente sa kasagsagan ng pag-ulan, Biyernes (Aug. 9) ng umaga sa Soldiers Hill Village.

Bumangga ang motorsiklo sa gilid ng truck na may kargang mga case ng beer.

Ayon sa mga rumespondeng tauhan ng Muntinlupa CDRRMO, nawalan ng malay ang rider at nagtamo ng mga sugat sa mukha at katawan.

Agad itong isinugod sa Ospital ng Muntinlupa.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng traffic bureau sa aksidente.

Read more...