Pokwang makakapareha ni Vic Sotto sa MMFF movie

Kumpleto na ang casting para sa bagong pelikula na muling pagsasamahan nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza na “Mission Unstapabol: The Don Identity.”

Sa story conference, ipinakilala na ang ibang mga cast ng nasabing pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Sa unang pagkakataon, makakapareha ni Bossing ang kapamilya comedianne na si Pokwang.

Makakatambal naman ni Maine sa nasabing pelikula ang kapamilya actor na si Jake Cuenca.

Bukod kina Pokwang at Jake, kasama rin sa pelikula sina Tonton Gutierrez, Jose Manalo at Wally Bayola.

Ang Mission Unstapabol ay ika-apat na pagkakataon na pagsasama sa pelikula nina Bossing at Maine.

Kasama din ito sa unang apat na MMFF entry para sa taong ito na kinabibilangan ng Momalland nina Vice Ganda at Anne Curtis, ang Miraclel In Cell No. 7 nina Aga Mulach at Bela Padilla at ang Kampon ni Kris Aquino.

Read more...