Pag-iral ng number coding sinuspinde na ng MMDA

Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iral ng number coding ngayong araw (Biyernes, Aug. 9).

Ito ay kasunod ng deklarasyon ng Malakanyang na nagsususpinde sa trabaho sa gobyerno sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, epektibo alas 3:00 ng hapon suspendido na ang number coding.

Layon nitong mabigyang pagkakataon na ang mga motorista na makabiyahe at makauwi sa kanilang tahanan.

Ang mga sasakyan na ang plate number ay nagtatapos sa 9 at 0 ay malaya nang makakabiyahe.

Read more...