LOOK: Safety net sumabit sa catenary wire ng MRT-3

Naantala ng ilang minuto ang biyahe ng Metro Rail Transit – 3 dahil sa safety net na sumabit sa Overhead Catenary System (OCS) ng tren.

Ayon sa DOTr-MRT-3, ala 1:44 ng hapon ng Biyernes (Aug.9) nang makita ang nakasabit na safety net sa OCS sa pagitan ng North Avenue at Quezon Avenue stations.

Dahil dito kinailangang magpatupad ng kontrol sa train traffic.

Agad namang naipagbigay-alam ang insidente sa OCS personnel ng tren.

Alas 2:05 ng hapon nang maialis ang sumabit na net at alas 2:07 ng hapon ay naibalik sa normal ang operasyon ng tren.

Read more...