Pag-atras ni Derek Ramsay sa pelikulang (K)Ampon kinumpirma ni Kris Aquino; Gabby Concepcion kapalit ni Derek

Kinumpirma ni Kris Aquino na hindi na si Derek Ramsay ang makakasama niya sa pelikulang (K)Ampon.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Kris na prayoridad ni Derek ang kanyang kontrata sa GMA Network.

Sinabi pa ni Kris na nagkaroon sila ng pagtatalo ni Atty. Joji Alonso, ang founder ng Quantum Films na nasa likod ng pelikula.

Marami daw kasing magiging adjustment kapag pinalitan si Derek para sa nasabing pelikula.

Kaugnay nito ay kinumpirma din ni Kris na si Gabby Concepcion ang makakapalit ni Derek sa nasabing pelikula.

Nabatid pa na kinonsidera din sa role si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista pero tinanggihan niya ang nasabing role.

Idinahilan umano ni Bistek na ayaw na daw niyang maging parte ng “gulo.”

Read more...