Yellow warning nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Nananatiling nakataas ang heavy rainfall warning sa buong Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan.

Alas 2:00 ng hapon ng Biyernes, Aug. 9 sinabi ng PAGASA na yellow warning level ang umiiral sa sumusunod na lugar:

• Metro Manila
• Bataan
• Bulacan
• Rizal
• Pampanga
• Cavite
• Quezon (General Nakar, Infanta, Real)
• Zambales (Olongapo, Subic, Castillejos, San Antonio, San Marcelino, San Narciso)

Ayon sa PAGASA malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan ang nararanasan sa nasabing mga lugar.

Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang aasahan sa susunod na tatlong oras sa Nueva Ecija, Laguna at nalalabi pang bahagi ng Zambales.

Ganito rin ang lagay ng panahon sa Tarlac at Batangas.

Muling maglalabasng rainfall warning ang PAGASA mamayang alas 5:00 ng hapon.

Read more...