Rollback sa presyo ng langis, ipatutupad ngayong araw

 

Inquirer file photo

Sa kabila ng pagtaas ng presyo noong nakaraang linggo, ngayon naman, magpapatupad muli ng rollback sa presyo ang mga kumpanya ng langis epektibo ngayong araw ng Martes, December 29.

Base sa magkakahiwalay na anunsyo ng mga kumpanya ng langis, bababa ng 60 sentimos ang kada litro ng gasolina, 20 sentimos kada litro sa diesel, at 40 sentimos naman sa kada litro ng kerosene.

Pangungunahan ng Seaoil ang pagpapatupad ng rollback na ang bisa ay nagsimula na kanina pa ng 12:01 ng hatinggabi Martes, December 29.

Alas-6:00 naman ng umaga ay epektibo na ang bawas sa presyo sa Petron, Pilipinas Shell at Phoenix Petroleum Philippines.

Sa kabuuan, ngayong buwan ng December, umabot sa 70 sentimos ang ibinaba sa presyo ng kada litro ng gasolina, P3.50 sa kada litro ng diesel at P3.65 sa kada litro ng kerosene.

Read more...