Bocaue River Bridge southbound sarado na sa mga motorista

NLEX Photo
Hindi muna madadaanan ng mga motorista ang southbound lane ng Bocaue River Bridge sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ito ay bilang pagbibigay-daan sa isinasagawang pagkukumpuni sa daan.

Ayon kay NLEX Traffic Manager Robin Ignacio, tuluyang isinara ang linya ng kalsada upang hindi magalaw ang mga daanan na kinukumpuni.

Nakatakda rin umano ang repair noong Miyerkules ngunit nabinbin ito at ginawang araw ng Biyernes ang pag-uumpisa.

Nagpatupad ng counterflow sa northbound lane kung saan hinati ito para sa tig-dalawang lanes sa magkabilang direksyon.

Read more...