Presidente at CEO ng Manila Water nagbitiw sa pwesto

Nagbitiw sa pwesto si Manila Water Company Inc. (MWCI) President at Chief Executive Officer (CEO) Ferdinand dela Cruz.

Sa August 31 epektibo ang pagbaba sa pwesto ni Dela Cruz makaraang tanggapin ng Board of Directors ang kaniyang resignation.

Sa pahayag na naka-post sa wesbite ng Philippine Stock Exchange (PSE) website, si Dela Cruz ay papalitan ni dating Energy Secretary Jose Almendras.

Si Almendras ang inihalal ng board sa isinagawa nilang pagpupulong.

Simula September 1, 2019 maninilbihan sa naturang pwesto si Almendras.

Ang pagbibitiw ni Dela Cruz ay kinumpirma din ni Manila Water Spokesperson Jeric Sevilla.

Read more...