Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na maganda ang hangarin ng plano na magtayo na lang ng mga komunidad para sa Philippine Offshore Game Operations o POGOs.
Ngunit, ayon kay Gatchalian, hindi ito ang isyu kundi aniya ang hindi pagbabayad ng tamang buwis ng mga POGO operators at kanilang mga empleado, bukod pa sa nakaka-agaw sila ng mga trabaho na para sa mga Filipino.
Sinabi nito, nalulugi ang gobyerno ng P32 bilyon dahil sa hindi nasisingil na buwis mula sa tinatayang 138,000 foreign workers sa POGOs.
Aniya ihiwalay man ang mga POGOs hindi pa rin ito nangangahulugan na makokolekta na ang tamang buwis at hindi na mawawalan ng trabaho an gating mga kababayan.
Pagdidiin ni Gatchalian sa halip na solusyonan ang problema ay itinatago lang ito ng plano.