1 patay sa buy-bust sa Lucena

Isa ang nasawi matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operation sa Lucena.

Ayon kay Lucena police chief Lt. Colonel Reydante Ariza, nanlaban ang suspek na si Fernando Fabie, 35 anyos nang siya ay aarestuhin na ng mga otoridad.

Positibong nabilihan ng shabu ang suspek ng undercover police officer sa Barangay Cotta, Huwebes (Aug. 8) ng gabi.

Nakuha sa suspek ang caliber 38 revolver.

Samantala, nakatakas naman ang dalawa pang suspek na sina Elizabeth Ario at Christian Ario.

Si Fabie ay nasa drug watch list ng pulisya.

Read more...